Happy 2nd Birthday Scooby !! :3
bat kailangan pag di ka pinapansin ng isa, di ka nadin papansinin ng iba? wala lang. nakaka-ano. ganun ba talaga yun? hanggang maubos na yung papansin sakin? tas wala nako akong friend. sige ako nang masama. ang dahilan naman kasi nung di pagpansin sakin kasi sa pagiging masungit ko sa kanya, hindi naman kasi ako sanay sa ganung biro niya, kahit panong gawin ko di ko magawang maki-ride. ewan ko ba kung bakit. kaya ayun nasusungitan ko talaga. tas ayan. hirap pa man din ako mag sorry sa personal, kaya dito nalang ako magsorry. SORRY NA.
pag ikaw may kausap tas may bagay ka na tinatanggi kasi nahihiya ka, diba di ka naman talaga haharap? kasi itatago mo yung mukha mong natatawa dahil sa pagtanggi mo. pero bat iba para sa kanila? parang ansama sama ko sa paglingon ko sa labas ng jeep. pero the other side nun, eh nakakainis nga naman kasi kinakausap ka tas lilingon ka kung saan, pero ang point ko naman eh tinatago ko yung mukha ko na natatawa iih. tas ayun, di na ako pinansin. okay 2 down. siguro hanggang all down na to. ganun na siguro ako kasama. pero ayun dun na nga lang siguro tayo sa other side, di ko na ipipilit yung point ko, ayun nga, dahil hirap ako mag sorry ng personal, dito nalang ulit. SORRY NA. sana lang mabasa niyo to.
ayun. hindi ko malaman sa sarili ko kung mag gow ba ako, or stay nalang sa ganto. gusto ko na naman talaga sya, kaso lang iniisip ko padin yung past nya, iniisip ko sya, masaya na ba talaga sya? ang dami ko iniisip nu? ewan ko ba, iniisip ko kasi agad yung outcome, eh madalas negative ako mag-isip, so ayun, negative outcome yung iniisip ko. ang hirap, ang duwag ko talaga kahit kelan. hay. may ilang araw nalang at bakasyon na, mawalan na ng pasok, pano ko sasabihin sa kanya? tulong!
ayan. oks na ako. nailabas ko na sya kahit wala akong kausap. yaay.
ang hirap naman ng gantong bakasyon. walang pasok. walang baon. walang ginagawa. pagkagising ko, bangon, kain, nuod tv / mag pc, pag napagod, tulog na naman, tas pagkagising, nuod tv / pc ulit. hanggang mag gabi na. hanggang mapagod na ulit yung mata ko. tas tutulog nanaman. hay. paulit-ulit lang. nung una nakaka enjoy, pero habang tumatagal, nakakasawa na din. sana magpasukan na ulit. para kahit papano may ginagawa na.
pagnauwi ako galing school, kain – laro – nuod tv.. yan lagi ko ginagawa. pero kagabi, pagkatapos kumain, ang unang pumasok sa isp ko ay mag aral sa phc, kasi may quiz kami kinabukasan, ayun nga nag aral ako, pag dating ng quiz, hindi naman ako ganung nahirapan. tapos ngayon, may assignment kami sa phil lit, nung tuesday pa sya binigay pero ngayon ko lang ginawa, ayun tapos na sya. nakakatuwa lang, ang sarap palang sipagin. sana magtuloy tuloy na.